Oh, Panginoon ko,
nagpapasalamat ako,
dahil ibinigay mo,
ang taong mahal ko.
ngayong araw na ito,
ay napakasaya ko,
dahil ika'y nakilala ko,
at puso ko'y napaamo mo.
sana'y maunawan mo,
ako'y nagtitiwala sayo,
at sana'y panghawakan mo,
ang pagmamahal ko.
Gusto kong sabihin saiyo,
na ako'y walang yaman sa mundo,
ni isang kusing wala ako,
walang materyal na bagay na maibibigay sayo.
Buong puso ko,
sinasabi ko sayo,
ikaw lamang laman nito,
hanggang nabubuhay ako.
Muli taos puso ang pasasalamat ko,
dahil dumating ka sa buhay ko,
sana magpatuloy ito,
kaya't magtiwala lamang tayo.
Noon, malinis ang mga estero, ilog,dagat at mga karagatan---ngayon--- marumi, mabaho at naguumapaw sa basura.===kasi===
Nagbago na ang Mundo.....
Bakit naging marumi, mabaho at naguumapaw sa basura ang mga estero, ilog,dagat at mga karagatan?
*Dahil yan sa mga
tao na walang tigil na pagtatapon dito!==kasi==
Nagbago na Tayo...
Noon, sariwa ang hangin, malinis at kay sarap langhapin---ngayon--- mausok, maalikabok at hindi mo na magugustuhan pang langhapin===kasi===
Nagbago na ang Mundo...
Bakit wala ng malalanghap na sariwang hangin?
* Dahil yan sa patuloy na pagdami ng behikulo, pagputol ng mga puno, at pagpapasemento sa lugar na puno!
====kasi===
Nagbago at umabuso na tayo....
Noon, malawak ang mga kalupaan, marame kang mapupuntahan, malawak ang mga pasyalan---ngayon--- piling pili na lamang ang lugar na mapupuntahan, konti na lamang mga pasyalan, wala na ring mga lupang sakahan===kasi===
Nagbago na ang Mundo...
Eh, sino ba ang sumakop sa kalupaan sa Mundo?
*Diba ang mga tao?..patuloy na dumarami tayo, mga kabahayan ay itinayo roon,duon,dito.....yaan, ikaw ang makakapagpatotoo dahil nakikita mo!... mga lupang sakahan,lahat sinemento, tinayuan ng ibat ibang mga establisyemento....pati mga kagubatan hindi nakaligtas dito, dahil unti unti itong pinutol at kinalbo===kasi===
Nagbago na tayo....
Sino nga ba ang patuloy na nagbabago ng Mundo? diba ang mga tao? tayo din!
Patuloy na nagbabago ang mundo produkto ng pagmamalabis at pang aabuso ng tao....
Ngayon, ikaw ang tatanungin ko....
ANU BANG MAGAGAWA MO UPANG MAILIGTAS ANG MUNDO SA DI KAAYA- AYANG PAGBABAGO?
Naaalala mo pa ba?...
Nuong bata kapa?
Malikot, makulit, maligalig....
Laging gustong maglaro sa labasan kasama ng mga kaibigan....
Nagagalit, nag uumiyak, nag huhumiyaw sa tuwing papaluin ng nanay kasi ayaw mo matulog sa tanghali....
Habang yung iba naman, laging tulog.. at hindi na magising kasi natatakot sa sinabi ni lola na hindi na raw lalaki ang mga batang hindi natutulog sa tanghali.....
Naaalala mo pa ba?...
Na sa tuwing nadadapa ka?
At nagkakasugat pa?
Yung, takot na takot ka! kasi, sabi ni kuya, may lalabas daw tren sa sugat mo pag hindi mo pinalinis sa kanya....
At sabi ni ate, may lalabas daw na kanin dyan sa sugat mo kapag hindi ito gumaling agad...
Naaalala mo pa ba?...
Na bawal magturo at lumapit sa mga halamanan kapag gabi na?
Kasi manununo ka?...
Eh yung bawal daw mag laro ng apoy kapag may siga ng basura? Kasi daw pag sapit ng gabi...maiihi ka sa higaan....
Isama mo pa yung pagkagat sa mga daliri mo sa tuwing ituturo mo yung napakagandang bahaghari, kasi korte daw yung lagare..,kaya mapuputol ang kamay mo...
Naaalala mo pa ba?...
Nung ikaw ay nasa eskwelahan na?
Na bawal na bawal na hindi bibili sa tray na dinedeliver ng mga canteeners? kasi di ka agad makakauwe kasi hindi ka papalabasin ng room....kung wala kang pambili...sorry ka nalang....kasi ikaw ang cleaner ngaung araw....
Kung di ka man magiging cleaner dahil nakabili ka naman sa tray sa loob ng klase, sigurado magiging cleaner ka din kasi inilista ka ng klasmeyt mo dahil maingay ka...tapos...sabay singil ng piso!..pambili daw ng floorwax sabi ni mam.....
Eh yung kelangan daw bumili kay mam ng chocolate, candies, champola, at marami pang iba...para mag karoon ka ng additional grades at makauwe ka sa bahay nio na may guhit na stars sa palad mo...
Pati na ung paglalagay at pagaalaga mo ng kisses sa loob ng posporo kasi naniniwala kang nabubuntis ito......
Isama mo na rin ung pag ubos mo sa baon mo... kasi ipinang bubunot mo lang ng sisiw na ibat iba ang kulay doon sa tapat ng eskwelahan mo.....
Naaalala mo pa ba?...
Na tuwing umaga, kelangan mong pumasok ng maaga kasi.... kakanta ka ng lupang hinirang, tapos manunumpa sa watawat ng pilipinas..... tapos....sasayaw ng "i love you, shalalala....shalala in the morning....etc.."....
Tuwing biyernes kailangan mo naman mag girls scout at boy scout na uniform pagkatapos.....pipila kayo sa labas kasi kailangan mag mumog ng chloride.... pampatibay daw ng ngipin sabi ni madam prinsipal.....
Eh yung galit na galit ka......kasi pinakopya mo yung klasmeyt mo ng assignment tapos nataasan kapa sa score?
Sigurado ko lahat yan naaalala mo.......cguro.....naranasan mo din ang iba dyan....
Sarap balik balikan nuh?....sarap maging bata ulet.....
Ngayun? may tanong ako sayo.....pwede ba?
Sino at ano pa ba naaalala mo?
YAN LANG BA?
Sana....naaalala mo din na sa lahat ng mga pangyayaring yan.....may isang taong laging nakatingin, nagbabantay, nagaalaga, nagpapahalaga, at nagmamahal sayo ng tunay.........
May tao kabang sobrang mahal? yung sobrang mahal talaga.?
Yung tipong pati buhay mo kaya mong ibigay para sa kanya?
Sa tingin ko meron naman siguro. Syempre mga tao tayo diba? (tao ka nga ba?
parang bigla akong naguluhan ah...hehehehe..lol). Bawat tao ay may mga minamahal at may mga pinahahalagan diba?
E..kung paano kaya, kung yung taong sobrang mahal mo ay iwanan ka?..Yung tipong ginawa mo na lahat lahat! tapos, iniwanan ka sa hindi malamang dahilan? Yung tipong....nagdahilan...tapos...natanggap mo pero sa totoo lang di ka naniniwala? yung ganun?mahirap mapaliwanag yung nararamdaman mo....yung may halong inis,.... lungkot....tapos para kang praning na naiiyak na lamang sa tuwing maiisip mo sya?...
Ako?..kakaiba eh....alam mo ba na umibig ako ng sobra? yung halos lahat ibigay ko?.....tapos magugulat ka kasi...alam mo kung baket???
SA CHAT KO LANG SYA NAKILALA!!!...AT NI MINSAN HINDI KO SYA NAKITA SA PERSONAL....ang praning ko db?... ahahha....lol...natatawa ako pag naiisp ko un...iiyak ako pag hindi sya online? matutuwa ako pag mag buzz lang sya saken...tapos....kakantahan nya lang ako gamet ung kanyang microphone..tapos...ako naman..makikinig lang gamet yung luma kong speaker....ahahaha...lol...korny nuh?....
Di ka ba makapaniwala? kasi umibig ako at nagmahal ng sobra...at Siyempre nasaktan din ng todo-todo sa pamamagitan lamang ng chat?...syempre karamihan sasabihan ka ng tanga!!! pero ako....ang totoo....minahal ko sya talaga ng sobra....sobrang mahal....at inisip ko nun, na hindi yun katangahan!
After ng breakup namen, nakikita ko sya, nagoonline... tinitiis kong wag pansinin.pero eto...muka pa din tanga...pinagsisiksikan sarili ko sa kanya...haysss...gagu ko nuh??? lahat ng pag papansin na kaya kong gawin, ginagawa ko...mag send ng smileys, mag buzz, at ang malala pa ay ung buksan ko yung webcam ko na wala nmn naka view...yung para lamang mag papansin at isipin nyang may iba akong ka chat at mapagselos sya...hheehe....gago nuh? ewan ko kung napansin nya.....cguro hindi...ehhehe...
Nung isang araw.....kinausap nya ko.....nagulat ako....sabi nya..."psssstttt EJAY"....merong tuwa....may konting hinanakit,.. may pag tataka....napapaisip kung bakit nya ko kinausap....tapos...syempre kinikilig,,,nung nabasa ko un..hehheehe
Sa paguusap namen na yun...pinaliwanag nya kung anu ba talaga yung tunay na dahilan kung baket kame nag break.....inisa- isa namen lahat lahat! binusisi ko talagang mabuti....tapos...natuklasan ko na....hindi kame nag break dahil sa mga rason na binitiwan nya saken......kasi nag break kame....kasi nararamdam ko.. na...yung taong inibig ko sa CHAT LAMANG...eh.. hindi pala KILALA ANG SARILI NIYA....diba mahirap yun?...napakahirap....kaya kame nauwi sa hiwalayan...(parang teleserye diba?) pero totoo yan....
Ngayun....gumaan na pakiramdam ko....kasi nalaman ko.... na... ang puno't dulo pala ng break up na un ay walang iba kung di sya rin pla.....mahirap kalaban ang sarili mo,..lam mo ba ginawa ko? yung mga sinabi ko sa kanya?...
"alam mo? di mo pa kasi maunawaan sarili mo eh..nabasa mo na ba ung blog ko? yung "ikaw? kilala mo na ba sarili mo?" hindi kasi ganun kadaling hanapin at kilalanin sarili mo"...(YAN ANG SABI KO SA KANYA)
TAPOS...binigyan ko lamang sya ng mga payo! payo ng taong hindi dating karelasyon....kundi payo ng isang taong....alam kung paano makikilala ang sarili...sapagkat....sya...alam na alam nya!!! kilalang kilala nya ang sarili nya!
At dahil doon....nagkapatawaran na kame.....NABUNUTAN AKO NG TINIK...yung mga tanong ko lahat nasagot....tapos lahat ng alam ko.. naibahagi ko sa kanya...napakasarap matulog....wala na akong agam agam...ngaun..normal na ulet....magkaibigan na kame ulet sa chat...nagpapansinan...ganun....
ALAM MO.....PAG MAY MAHAL KA.....KAHIT SAAN MO MAN NAKILALA YUN...BASTA KAPAG SINABI NG PUSO MONG MAGMAHAL KA...KAHIT SINO MAN YAN...KAHIT ANUNG PARAAN MO SIYA NAKILALA...KAHIT ALAM MONG MASASAKATA KA...PATULOY KANG MAGBIBIGAY AT MAGMAMAHAL.....KASI....UNG ANG SABI NG PUSO MO.....AYUN UNG PINIPINTIG NYA...AYUN UNG PARATING KUMAKABOG SA MGA DIBDIB NATEN.....KAYA, KUNG AKO SAYO? SIGE LANG MAG MAHAL KA LANG...WAG KANG MATAKOT....MANIWALA KA LANG SA PUSO MO....DI KA ILILIGAW NYAN..(SYEMPRE NAMAN, MINSAN GAMITIN MO UTAK MO...KUNG WALANG UTAK?HALA PATAY NA..HEHHE...LOL..)....KUNG MAY TINIK MAN TATARAK DYAN SA PUSO MO...PUSTAHAN TAYO...MABUBUNOT DIN YAN...HAHANAP LANG YAN NG TAMANG PAGKAKATAON.......=)
|
....mula umaga ng abril 3, 2010...iniisip ko yan...ngayun....abril4, 2010 na...iniisip ko pa din yan....
...mas napaisip ako nung naririnig ko ang kampana ng simbahan na walang tigil ang kalembang.....na waring naghuhudyat na....MAGSIGISINGNG KAYO....easter sunday na...magsimba naman kayo....
nakakatuwang isipin....natatawa ako...parang ang korni diba?...NONSENSE nga daw ako....totoo nga....
maiba ako....anu ba alam mo sa Easter Sunday?.... sa tagalog..."LINGO NG PAGKABUHAY"...
kung tatanungin mo ko.... malamang marame akong masasabi......eh,... paano ka walang masasabi...eh,... mula nung bata pa ako ...lagi akong kasama ng lola ko!..taon- taon yun!...gigisingin ako kahit mahimbing ang tulog at paglalakarin kahit may panis na laway pa!.....nakakatawa pag naiisp ko un...wahahhahah....lol..
pag dating namen sa simbahan, bubungad sayo ang mga pagoda ng imahe ni Jesus Christ at Mama Mary... bibili ng kandila sa mga mapagsamantalang tindera..hehhhe( di naman lahat)..tapos... pagbubukudin ang mga lalaki at babae..... ang mga lalaki...pipila at susundan ang ruta ng pagoda ni Jesus Christ, samantalang ang mga kababaihan ay pinapipila naman sa likod ng pagoda ni Mama Mary....
eh panu na ako db??? isang batang musmos na walang alam kundi sumunod...hihiwalay ako sa lola ko,....magkahiwalay kame sa prusisyon.... magsolong naglalakad at mahigpit na nagmamatyag,...
...bukod sa mga kandila....sa mga rosaryo...sa mga bulaklak...sa mga musikero...sa mga mandadasal...sa mga nagtutulak ng generator para may ilaw ang pagoda...
.....ay iyong makikita ang mga......
taong mga nakiki echoso, mga taong nagising sa mga kabahayan dahil sa ingay,.... mga mag syota na na hindi naghiwalay sa pila, mga tindero ng mga kakanin na sumasabay sa prusisyon at walang tigil na nagbebenta, mga kalalakihang pawang walang alam, nanggugulo lamang sa pila, mga naghahanap ng mga magagandang dilag, at mga mamang may dala ng kuwitis at nagpapaputok!!!....
....ahaahhaha nakakatawa....iba iba na napansin ko nun...bata pa ako nun.....ikaw...kung kasama ka dun??? mapansin mo kaya yun?....
cguro ou...eh panung di mo mapapansin???
una....nagdarasal ung iba, tapos karamihan naman nagiingay...
pangalawa....ung iba maayus ang suot...yung iba...naka mini skirt,backless, naka pantulog, nakapambahay at yung iba nga matatawa ka eh!!!.....ung mga lalaking gustong maging babae??? makikita mo...naka long gown!!! kamustah naman? SALUBONG pinuntahan mo te...hindi SANTAKRUZAN...HAYSSS.....
ngayun.....may nag text saken..... sabi nya....ejay...sama ka sa salubong?...tara!!!...text ko din tropa....
sabi ko....
huh??? hindi nalang....kasi wala din naman akong makikitang maganda......siguro kung meron man...madalang....minsan wala pa....
bata pa ako nung simula kong mapansin ang mga bagay na yun.....kakatuwa dba??? 10 taon palang ako nun!!!eh ngayun? 18 n!..........kamustah naman?... anu pang aasahan ko? di ba?? alam ko ng mas malala pa makikita ng mga matang ito kung pupunta ako dun!!!.....
gusto mo man magdasal ng taimtim...di mo rin magagawa
..ahahhahah...llol.....syempre naman....wag nang magtanung kung baket....ahahhaa....haysssss buhay....
BAKET DI NALANG NILA SUBUKANG MAGDASAL NG TAIMTIM....MAGPASALAMAT SA PANGINOON NG BUKAL SA PUSO??? AT DAMAHIN ANG TUNAY NA DIWA NG PAGKABUHAY?
Kilala mo ba na sarili mo?...
yaan ang mga kadalasang pamatay na tanong...
anung pangalan ng magulang mo, saan ka nakatira, ilan taon ka na, anu mga paborito mo, nakapag aral ka ba?, mga kaibigan mo...etc....
sana...ganun lang kadali makilala sarili mo, yung malaman lang yung mga simpleng bagay tungkol sayo.di ba?...
kasi....sa totoo lang....mahirap....masakit.... nakakakagulat...
ikaw...kelan mo kaya makilala sarili mo???