Naaalala mo pa ba?...
Nuong bata kapa?
Malikot, makulit, maligalig....
Laging gustong maglaro sa labasan kasama ng mga kaibigan....
Nagagalit, nag uumiyak, nag huhumiyaw sa tuwing papaluin ng nanay kasi ayaw mo matulog sa tanghali....
Habang yung iba naman, laging tulog.. at hindi na magising kasi natatakot sa sinabi ni lola na hindi na raw lalaki ang mga batang hindi natutulog sa tanghali.....
Naaalala mo pa ba?...
Na sa tuwing nadadapa ka?
At nagkakasugat pa?
Yung, takot na takot ka! kasi, sabi ni kuya, may lalabas daw tren sa sugat mo pag hindi mo pinalinis sa kanya....
At sabi ni ate, may lalabas daw na kanin dyan sa sugat mo kapag hindi ito gumaling agad...
Naaalala mo pa ba?...
Na bawal magturo at lumapit sa mga halamanan kapag gabi na?
Kasi manununo ka?...
Eh yung bawal daw mag laro ng apoy kapag may siga ng basura? Kasi daw pag sapit ng gabi...maiihi ka sa higaan....
Isama mo pa yung pagkagat sa mga daliri mo sa tuwing ituturo mo yung napakagandang bahaghari, kasi korte daw yung lagare..,kaya mapuputol ang kamay mo...
Naaalala mo pa ba?...
Nung ikaw ay nasa eskwelahan na?
Na bawal na bawal na hindi bibili sa tray na dinedeliver ng mga canteeners? kasi di ka agad makakauwe kasi hindi ka papalabasin ng room....kung wala kang pambili...sorry ka nalang....kasi ikaw ang cleaner ngaung araw....
Kung di ka man magiging cleaner dahil nakabili ka naman sa tray sa loob ng klase, sigurado magiging cleaner ka din kasi inilista ka ng klasmeyt mo dahil maingay ka...tapos...sabay singil ng piso!..pambili daw ng floorwax sabi ni mam.....
Eh yung kelangan daw bumili kay mam ng chocolate, candies, champola, at marami pang iba...para mag karoon ka ng additional grades at makauwe ka sa bahay nio na may guhit na stars sa palad mo...
Pati na ung paglalagay at pagaalaga mo ng kisses sa loob ng posporo kasi naniniwala kang nabubuntis ito......
Isama mo na rin ung pag ubos mo sa baon mo... kasi ipinang bubunot mo lang ng sisiw na ibat iba ang kulay doon sa tapat ng eskwelahan mo.....
Naaalala mo pa ba?...
Na tuwing umaga, kelangan mong pumasok ng maaga kasi.... kakanta ka ng lupang hinirang, tapos manunumpa sa watawat ng pilipinas..... tapos....sasayaw ng "i love you, shalalala....shalala in the morning....etc.."....
Tuwing biyernes kailangan mo naman mag girls scout at boy scout na uniform pagkatapos.....pipila kayo sa labas kasi kailangan mag mumog ng chloride.... pampatibay daw ng ngipin sabi ni madam prinsipal.....
Eh yung galit na galit ka......kasi pinakopya mo yung klasmeyt mo ng assignment tapos nataasan kapa sa score?
Sigurado ko lahat yan naaalala mo.......cguro.....naranasan mo din ang iba dyan....
Sarap balik balikan nuh?....sarap maging bata ulet.....
Ngayun? may tanong ako sayo.....pwede ba?
Sino at ano pa ba naaalala mo?
YAN LANG BA?
Sana....naaalala mo din na sa lahat ng mga pangyayaring yan.....may isang taong laging nakatingin, nagbabantay, nagaalaga, nagpapahalaga, at nagmamahal sayo ng tunay.........
6 comments:
..awts..
..so true tol
..xana pde pang balikan ang nakaraan!!!
amp
cool! haha. naAlala q nga..
xRap bLikan nu?
hehe
xD
loka ka talaga grl,., igawa mu nga dn aq ng ganto,., miss na kita badz!!!! gala tayo huh,., at pag may sarili ka nang life ilibre mu aq ok,., mwuah take care,., super ingat sila sayo,., este ingat ka pla lage,., mwua
hahaha.. ikaw nagsulat nito? kakamiss..
hindi tayo classmates nung elem.. pero pareho tayo ng experience.. hahaha
i like it stebz!! magaling,,,,... nakakarelate ako... wahahhahah....
.ahaha.
.namis quh tuloy ung elementary days.hahay.
.parang lahat un naranasan quh ah.
.gudtimes. .gudtimes. .ahehe